Ex-convict, arestado sa drug bust
@Balitang Probinsiya | August 25, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Palampas, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jofel Bacalla, 42, nakatira sa Bgy. 2, ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay kaya naaresto ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 24 na gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Napag-alaman na nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments