Ex-convict, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | July 15, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ex-convict ang nahuli sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bata, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Hansel Magbanua, nasa hustong gulang, residente ng Bgy. 2 sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Napag-alaman na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muli na namang nagbenta ng shabu kaya muling naaresto.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments