Ex-convict arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 23, 2023
ILOILO—Isang ex-convict ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. San Pedro, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Joel Maligaya, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek, dito na dinakip ang drug pusher.
Nabatid na dating nakulong sa kasong pagbebenta ng droga ang suspek, at nang makalaya ay muli na namang nagbenta ng shabu.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 75 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments