Ex-congressman at cult lider Ruben Ecleo, Jr, arestado sa Pampanga
- BULGAR
- Jul 30, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 30, 2020

Arestado ang dating mambabatas at lider ng Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc., Authorities na si Ruben Ecleo, Jr. ng awtoridad sa Pampanga.
April 2012, na-convict si Ecleo sa kasong murder o pagpatay sa asawang si Alona Bacolod-Ecleo noong January 2002, kung saan natagpuan sa bangin ang katawan ng biktima na naaagnas na.
Nahatulan ang dating mambabatas ng life sentence o reclusion perpetua ng Cebu court at pinagbabayad ng P25 million bilang damages sa pamilya ng namatay na asawa.
Bago ang kanyang murder conviction, hinatulan ng Sandiganbayan noong October 2006 si Ecleo ng 31 at kalahating taong pagkakabilanggo sa kasong anomalous construction deals na kanyang ginawa nang siya ay town mayor ng San Jose, Surigao del Norte taong 1991-94.
Si Ecleo ang lider ng Philippine Benevolent Missionaries Association, ang grupong nakabase sa Dinagat Islands.
Ayon sa report, sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas, halos ilang buwan nang under police surveillance si Ecleo sa lugar bago ito nasakote.
Gayundin, bago siya maaresto, nag-anunsiyo ang gobyerno na magbibigay ng P2-million reward para sa ikadarakip ni Ecleo.
Comments