Ex-chairman, tiklo sa magazine ng baril
- BULGAR
- Nov 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 3, 2023
PANGASINAN -- Isang dating barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng isang magazine ng baril kamakalawa sa Brgy. Bani, Mangaldan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa alyas na “Ex-Kap”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya na may nakasukbit na baril ang dating kapitan kaya kinapkapan ito ng mga awtoridad, pero magazine lang ng baril ang nakumpiska at wala ang baril.
Hindi naman nanlaban ang suspek at kusang sumama sa pulisya na umaresto sa kanya.
Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa suspek.



Comments