Ex-Chairman, nilikida ng gunman
@Balitang Probinsiya | November 20, 2021
BATANGAS--Isang dating barangay chairman ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Libjo, Batangas City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si ex-Chairman Benedicto Baes, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, lulan umano si Baes ng kanyang SUV (sports utility vehicle) nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments