Ex-chairman, arestado sa granada
@Balitang Probinsiya | September 8, 2023
ISABELA -- Isang dating barangay chairman ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng isang granada kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa alyas na “Diego” habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni “Diego” at dito nakumpiska ang isang granada.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of explosives.



Comments