Esyudyante binoga ng 2 armado
@Balitang Probinsiya | March 23, 2023
COTABATO CITY—Isang 20-anyos na estudyante ang nasa kritikal na kondisyon nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion 3, sa lungsod na ito.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Carlo Quezon, residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang nakaupo umano si Quezon sa tapat ng kanilang bahay ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.



Comments