top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyanteng tulak, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 27, 2023


QUIRINO—Isang estudyanteng drug pusher ng marijuana ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Lutuad, Diffun sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana si estudyante kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing barangay at dito nadakip ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng marijuana at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page