top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Estudyanteng rider, tepok sa van

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 17, 2023


BATANGAS—Isang estudyanteng rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng isang van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Pioquinto, Malvar sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Nathan Valeros, 18, samantalang ang sugatan ay ang angkas nito na si Dominique Pastor, 19, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Robert Capulong sa pagmamaneho ng van kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Valeros.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page