top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyanteng rapist, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 6, 2023


SORSOGON – Isang estudyanteng rapist ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Otavi, Bulan sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jerico Aguirre, 19, estudyante sa nabanggit na lalawigan.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Aguirre sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page