Estudyanteng rapist natimbog
@Balitang Probinsiya | Pebrero 14, 2023
PANGASINAN – Isang estudyanteng rapist ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Magsaysay, Agno sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Frederick Cantillo, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na.



Comments