top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Estudyanteng rapist, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 20, 2023



QUEZON -- Isang 21-anyos na estudyanteng rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa kinaroroonan ng estudyanteng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page