Estudyanteng pasahero, nadale
@Balitang Probinsiya | November 17, 2023
AKLAN -- Isang estudyanteng pasahero ang sugatan nang mabangga ng isang kotse ang kinalululanan niyang tricycle kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Ang sugatang menor-de-edad na estudyanteng pasahero ay itinago sa pangalang “Ruby”, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang lulan si “Ruby” sa pinapasadang tricycle ni Wilfredo Monahan, 44 ay aksidente silang nabangga ng kotseng minamaneho ni Buddy Gregorio, nasa hustong gulang, at kapwa nakatira rin sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa mukha si “Ruby” sa naganap na insidente at sa ngayon ay ginagamot na sa ospital.
Nangako naman si Gregorio na sasagutin niya ang gastos sa ospital at danyos sa kinasangkutan niyang aksidente.



Comments