Estudyante, todas sa nakaparadang trak
- BULGAR
- Dec 6, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 06, 2020
Albay—Isang estudyante ang namatay nang aksidenteng bumangga sa nakaparadang trak ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Palanog, Camalig.
Ang mga biktima ay nakilalang si John Nestor Nopre, estudyante at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Nopre sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa nakaparadang trak sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.
Sa lakas ng pagkakabangga ang nagtamo ng malaking sugat sa ulo at nagkaroon ng pinsala sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara silang dead-on-arrival.



Comments