Estudyante tinodas ng riding-in-tandem
- BULGAR
- Mar 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 9, 2023
SULTAN KUDARAT—Isang 21-anyos na estudyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Sinakulay, President Quirino sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Madjar Aberin, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Aberin ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang dalawa niyang kaibigan ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Nabatid na hindi tinamaan ng bala ang dalawang kaibigan ng biktima.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Aberin.



Comments