Estudyante, timbog sa droga
- BULGAR
- Dec 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 19, 2023
NEGROS OCCIDENTIAL -- Isang estudyante ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Zone 4, Cadiz City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, nang malaman ng mga otoridad na nagbebenta ng droga ang estudyante ay agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar kaya naaresto ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng 25 gramo ng umano’y marijuana, 0.5 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments