Estudyante, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 2, 2021
PALAWAN—Isang estudyante na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Maunlad, Puerto Princesa City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Carlo Zapanta, 23-anyos at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng marijuana ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments