top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyante patay sa pick-up

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 18, 2023


PALAWAN — Isang estudyante ang namatay nang mabangga ng pick-up kamakalawa sa Bgy. Maoyon, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jordan Vigo, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng pick-up kaya nabangga ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan pero idineklara itong dead-on-arrival.


Hindi naman na pinangalanan ang sumukong driver ng pick-up na nahaharap sa kasong reckless imprudence resutling to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page