Estudyante patay sa motor
@Balitang Probinsiya | March 29, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang rider na estudyante ang namatay nang bumaligtad ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Gargato, Hinigaran sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Mike Vallejo, 23, residente ng bayan ng San Enrique sa nasabing lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Vallejo sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya ito bumaligtad.
Napag-alaman na nagkaroon ng mga pinsala sa ulo at sugat sa katawan ang biktima dulot sa naganap na insidente.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments