Estudyante, patay sa aksidente
@Balitang Probinsiya | May 18, 2023
BATANGAS—Isang estudyante ang namatay at isa pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Tambo, Lipa City sa lalawigang ito.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Jonathan Bautista, estudyante, samantalang ang sugatan ay si Joshua Lumbera, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho nina Bautista at Lumbera kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Bautista.



Comments