top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Estudyante, nilikida ng armado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 17, 2023


BASILAN -- Isang 20-anyos na estudyante ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Dona Ramona, Isabela City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa likod ay nakilalang si Allami Jumaat, estudyante ng Alternative Learning System (ALS) sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Jumaat ay biglang sumulpot ang salarin at agad siyang binaril sa likod.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Jumaat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page