top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Estudyante nalunod sa ilog, dedo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 3, 2023


KALINGA—Isang 19-anyos na estudyante ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Calanan, Tabuk City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si France Dumaguing, residente ng nasabing lungsod.


Nabatid na habang naliligo sa ilog ay nakita ni Dumaguing na nalulunod ang dalawa niyang pinsan.


Napag-alaman na agad sumaklolo si Dumaguing, at nang madala sa gilid ng ilog ang dalawa niyang pinsan ay biglang rumagasa ang agos ng tubig kaya natangay ang biktima.


Agad na sumaklolo ang mga residente, pero patay na nang maiahon sa ilog si Dumaguing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page