top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyante, nahulog sa motor, pisak sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2023


CAMARINES SUR—Isang estudyante ang namatay nang aksidenteng masagasaan ng isang rumaragasang pampasaherong bus, kamakalawa sa Bgy. Agrupacion, Tagcawayan sa lalawigang ito.


Nakilala ang biktima na si Arabel Cuenca, nasa hustong gulang, criminology student sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nakaangkas sa isang motorsiklo si Cuenca at aksidente itong nahulog kaya nasagasaan ng rumaragasang pampasaherong bus na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.


Nabatid na napisak ang katawan at ulo ng biktima na naging dahilan kaya namatay ito sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page