Estudyante nabiktima ng karnaper
- BULGAR
- Feb 12, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2023
ALBAY – Isang estudyante ang nabiktima ng isang karnaper matapos tangayin ang kanyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. 14-Ilawod, Legazpi City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nathaniel Ariate, 19, residente ng Bgy. Taysan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nag-report sa pulisya ang biktimang si Ariate na ipinarada lang niya ang kanyang motorsiklo sa naturang lugar, pero pagbalik niya ay nawawala na ang nabanggit na sasakyan.
Nabatid na may nagsabi sa biktima na kinarnap ng suspek ang kanyang motorsiklo.
Kaugnay nito ay naglunsad na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments