top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Estudyante kritikal sa bangga ng tricycle

BULGAR
Nov 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 2, 2022


AKLAN—Kritikal ang kalagayan ng estudyante nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Calizo, Balete.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Harold Lachica, 23-anyos, estudyante ng Aklan State University sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na pinapasada ng isang hindi pinangalanang driver, kaya nabangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima.


Nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima at sa kasalukuyan ay ginagamot pa siya sa ospital.


Nangako naman ang driver ng tricycle na sasagutin niya ang gastos ni Lachica sa pagpapagamot sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page