top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Estudyante, huli sa 7 kilo ng marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 8, 2021



BATAAN—Isang 25-anyos na estudyante ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng pitong kilo ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Batangas II, Mariveles.


Kinilala ang suspek na si Mervin Morada, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may dalang pitong kilo ng marijuana si Morada kaya agad nagsagawa ng drug bust operation ang mga awtoridad dahilan kaya naaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban si Morada nang dakpin ng mga awtoridad.


Kasalukuyang nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page