top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Estudyante, dedbol sa tuklaw ng ahas

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 23, 2024


ILOCOS NORTE -- Isang 18-anyos na estudyante ang namatay matapos matuklaw ng ahas kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Crispina, Banna sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Luisa Agpuon, Grade 12 student at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagbibihis ng school uniform si Agpuon sa loob ng kanilang bahay para pumasok sa eskwela nang sumigaw ang biktima na natuklaw umano siya ng ahas.


Agad tinungo ng kanyang mga magulang si Agpuon at natagpuan nila itong nakahiga sa sahig at nanginginig.


Dinala ng kanyang mga kamag-anak si Agpuon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang pinatay naman ng ama ng biktima ang ahas na tumuklaw sa kanyang anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page