Estudyante dedbol sa kotse
@Balitang Probinsiya | Enero 27, 2023
PANGASINAN — Isang 17-anyos na estudyante ang namatay nang mabangga ng isang kotse kamakalawa sa Bgy. Nancayasan, Urdaneta City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Ernest Draculan, residente ng nasabing lungsod. Habang tumatawid sa kalsada si Draculan ay aksidente itong nabangga ng kotse na minamaneho ni Mando Valdez, residente ng San Carlos City.
Napag-alaman na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo ang biktima na naging dahilan kaya ito namatay.
Sumuko naman sa pulisya si Valdez na nahaharap ngayon sa kasong Reckless imprudence resulting to homicide.



Comments