Establisimyento natupok sa sunog
@Balitang Probinsiya | Enero 10, 2023
AKLAN—Isang establisiyemento ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.
Ang nasunog ay ang Linds Dry Goods Store sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nasusunog ang establisimyento kaya’t tumawag sila sa fire station.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa naturang establisimyento.



Comments