Erpat, tinodas ng anak
- BULGAR
- Oct 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 09, 2023
CAPIZ -- Isang 53-anyos na ama ang pinatay sa saksak ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Bitoon, Cuartero sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruben Sibug samantalang ang suspek ay ang anak nito na si Joven, 30, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nag-away si Joven at ang kapatid nitong lalaki na si Jori kaya umawat sa kanila ang kanilang ama.
Nabatid na hindi nagustuhan ni Joven ang pag-awat ng ama kaya sinaksak niya ito sa dibdib.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusang sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Comments