top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Erpat dedbol, anak sugatan sa karambola

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 16, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang ama ang namatay at sugatan naman ang anak nito sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan, kamakalawa sa Bgy. 2, E.B. Magalona, sa lalawigang ito.


Nakilala ang nasawi na si Jimmy Abellar, Sr., 43, samantalang ang sugatan ay ang anak nito na si Jimmy Abellar, Jr., 21, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Jimmy, Jr. ang motorsiklo at angkas ang ama na si Jimmy.


Sr., nasagi sila ng isang trak at naging dahilan ito para bumangga ang mag-ama sa kasalubong na van.


Dahil sa aksidente, nagtamo ang mag-ama ng malaking pinsala sa ulo at katawan.


Dinala pa ng mga saksi ang mag-ama sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Jimmy Sr., samantalang sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property ang driver ng trak at van.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page