top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Epekto ng walang tigil na taas-presyo sa petrolyo, ramdam na

BULGAR
Jun 8, 2022
1 min read

@Editorial | June 8, 2022


Tila suko na ang mga tsuper sa walang prenong dagdag-presyo sa petrolyo.


Kasabay ng mahigit P6 pagsirit sa presyo ng diesel, nagbanta ng protesta at tigil-pasada ang mga drayber at operator.


Anila, hindi na makatwiran ang mga ipinatutupad na lingguhang oil price adjustment dahil ilang buwan naman na ang stock ng mga oil players.


Sa taas ng presyo ng petrolyo, halos wala nang naiuuwing kita ang mga tsuper sa kanilang pamilya. Kalbaryo rin ang dinaranas ng mga nagba-budget para sa mga gastusin sa bahay.


Kaugnay nito, umapela naman ang Palasyo sa mga public utility jeepney drivers at operators na ipagpaliban ang kanilang planong transport strike.


Kasabay ang pagtiyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matulungan sila sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.


Ipinaliwanag naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patuloy ang pamamahagi ng fuel subsidies.


Nagsimula na ang ‘domino effect’ nang magtaasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at posibleng sumunod na rin ang sa pamasahe.


Kasabay ng bantang tigil-pasada ay ang planong petisyon para sa taas-pasahe.


Kaya napakalaking hamon sa mga susunod na opisyal ng gobyerno ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page