Engineer, dedbol sa ambush
@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2024
COTABATO CITY -- Isang engineer ang namatay sa naganap na pananambang at pamamaril ng riding-in-tandem kamakalawa sa Purok Balikatan, Brgy. Mother Rosary Heights sa lungsod na ito.
Ang nasawi ay si Engineer Ramil Masukat, residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang lulan si Masukat ng kanyang kotse ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pananambang sa biktima.



Comments