top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Engineer, arestado sa shabu at baril

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2023


BUTUAN CITY -- Isang engineer ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng umano’y shabu, isang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Purok 1, Brgy. Dumalagan sa lungsod na ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng engineer sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 pistola at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page