Empleyadong pusher, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Oct 20, 2021
ABRA--Isang empleyado na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Kabildatan, Bangued.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jersey Barbero, nasa hustong gulang at empleyado ng DepEd (Dept. of Education) na nakabase sa lalawigan.
Napag-alaman na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga operatiba ng 1.3 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments