Empleyado ng munisipyo, huli sa drug-bust
- BULGAR
- Aug 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 9, 2023
AKLAN -- Isang empleyado ng munisipyo ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Dela Cruz, empleyado ng Kalibo Municipal Hall at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments