Empleyado, natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | January 14, 2021
CAGAYAN—Isang empleyado ang natagpuang patay kamakalawa sa palaisdaan sa Bgy. Centro, Sta. Ana.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaime Casil, empleyado ng Provincial Fishery Station na nakabase sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa palaisdaan.
Ayon sa ulat, na huling nakitang buhay si Casil habang nagbubunot ng damo sa paligid ng palaisdaan.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng aksidenteng nahulog sa palaisdaan si Casil kaya nalunod ito at namatay.



Comments