top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Empleyado nahulog sa bubong dedbol

BULGAR
Nov 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 13, 2022


CEBU—Isang empleyado ang namatay ng aksidenteng mahulog sa bubong ng gusali ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan kamakalawa sa Bgy. Buanoy, Balamban.


Kinilala ang biktima na si Romeo delos Santos, 53-anyos at empleyado ng shipbuilding na nakabase sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa bubungan si Delos Santos ng shipbuilding ay natapakan nito ang isang fiberglass na bumigay, kaya nahulog ang biktima.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima sa naganap na aksidente.


Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Delos Santos sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page