top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Empleyado kritikal nang pumalag sa 3 holdaper

BULGAR
Nov 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2022


PALAWAN—Kritikal ang kalagayan ng isang empleyado nang manlaban sa tatlong lalaking nangholdap sa kanya kamakalawa sa Bgy. Bacungan, Puerto Princesa City.


Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan, pasa at bukol sa ulo ay nakilalang si Allan Lagrosa, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang lulan si Lagrosa ng kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang tatlong suspek at ang isa sa mga ito ay binaril ang biktima.


Bagama't sugatan ay nagawa pang manlaban ni Lagrosa dahilan para bugbugin pa siya at paluin ng kahoy sa ulo ng mga suspek hanggang makuha ng mga holdaper ang dala niyang bag na naglalaman ng cash.


Inoobserbahan pa sa pagamutan si Lagrosa, samantalang sinampahan na ng pulisya ng kasong robbery with frustrated homicide ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page