Empleyado huli sa boga, bala at pampasabog
@Balitang Probinsiya | October 4, 2022
NUEVA VIZCAYA—Isang empleyado ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, mga bala at pampasabog kamakalawa sa Poblacion, Aritao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Elmer Peralta, 57-anyos, empleyado at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang 22 pistol, mga bala at mortar bomb.
Kusa namang sumama sa pulisya at hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives.



Comments