top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Electrician, timbog sa kasong child abuse

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 17, 2023


SORSOGON -- Isang electrician na wanted sa kasong child abuse ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. North Poblacion, Juban sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Francisco Hular, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad ang suspek sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip sa naturang lugar.


Kusang sumama sa pulisya ang suspek nang arestuhin ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page