Electrician tiklo sa boga, bala at shabu
- BULGAR
- Aug 21, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 21, 2022
ALBAY—Isang electrician ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, mga bala at shabu kamakalawa sa Bgy. Kiwalo, Daraga.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Allan Nabore nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing barangay kaya nadakip ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang pulisya ng baril, mga bala at dalawang sachets ng shabu sa naturang barangay.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments