Electrician tepok sa shotgun
@Balitang Probinsiya | Enero 14, 2023
ILOCOS SUR—Patay ang electrician nang aksidenteng pumutok ang dala niyang paltik na shotgun kamakalawa sa Bgy. Lingat, Bantay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Agapito Pula, 48-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa hindi pinangalanang anak ni Pula ay lasing na umuwi sa kanilang bahay ang kanyang ama at kinuha ang paltik na shotgun para mamaril ng ibon, at habang nasa labas ay aksidente umanong pumutok ang baril at tinamaan ng mga shrapnels sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Pula sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments