top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Edukasyon, kalusugan, imprastruktura at agrikultura, hahataw next year

BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

@Editorial | July 28, 2022


Nailatag na ang mga plano at target ng administrasyong Marcos para sa anim na taong panunungkulan.


Masasabing diretso at maayos na naibalangkas ang laman ng talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).


Kasunod nito, ipinahayag naman ng pamunuan ng Department of Budget na paglalaanan ng pinakamalaking bahagi ng 2023 budget ang sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura at agrikultura ng bansa.


Magpapatupad umano ng realignment ang administrasyon sa expenditure priorities ng pamahalaan.


Binabalangkas na umano ang pondo na target maisumite sa Kongreso sa Agosto 22, upang maisabatas bago ang Christmas break.


Ang edukasyon pa rin ang top priority, alinsunod sa itinatakda ng batas, tuloy din ang Build, Build, Build program ng Duterte administration na palalawigin pa ng Marcos admin.


Prayoridad din ang sektor ng kalusugan. Habang ang agrikultura naman ay susuportahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagme-mechanise sa proseso gamit ang makabagong teknolohiya.


Kailangang maging mas maingat at matalino tayo ngayon sa pagpopondo at paggasta.


Patuloy nating nararanasan ang epekto ng pandemya dulot ng COVID-19 na sinabayan pa ng mga kalamidad at krisis. Talagang mapapalaban at kailangang lumaban.


Umasa tayo na malalampasan din natin ang lahat ng pagsubok nang nagiging mas matatag pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page