top of page
Gary V. - IG.jpg

Edgardo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 20, 2023


Gustong isipin ni Edgardo na ginu-goodtime lamang siya ni Ferdie. Ngunit, wala sa hitsura nito na para bang nagbibiro. Nakakakilabot ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, at parang sinasabi nito na gawin niya ang anumang sabihin nito.


“Hindi ako ipinanganak para maging sunud-sunuran lang sa iyo,” mariin niyang sabi.

Humalakhak si Ferdie.


Bigla tuloy siyang nag-alala at napatingin sa paligid. Bigay na bigay ang pagtawa nito. Kung normal na nilalang ito, hindi ba dapat, matatawag nito ang pansin ng kanyang mga kaopisina?

“At hindi ka rin namatay para hindi mo ako sundin,” mariin nitong sabi sa kanya.


“Bakit ba kailangan ko pang magdala ng anim na kaluluwa?”

“Sinabi ko na ang dahilan.”


“Ang hirap naman umakyat sa langit.”

“Hindi ka naman sa langit mapupunta,” sarkastikong sabi nito.


Gilalas siyang napatingin dito, at parang nayanig ang kanyang katauhan o mas maiging sabihing kaluluwa, ‘yun na lang naman siya, hindi ba?

“Sa impiyerno.”


“Ru’n ang destinasyon mo kapag hindi mo nabuksan ang panggitnang pintuan. Para sa marami, ito ang purgatoryo. Ang mga ligaw na kaluluwa ay nandito.”

“Hindi naman ako masamang tao, bakit hindi ako makakapasok sa langit?”


“Hindi ka rin naman mabuting tao, pinabayaan mo nga ang iyong sarili kaya ka narito ngayon.”


Nais sana niyang kontrahin ang sinabi ni Ferdie, pero naisip niya, naging mabuti ba akong anak? Kung oo, dapat sinunod ko sila pero ang pinapairal ko ay ang inggit kaya sa halip na mapalapit sa kanila, inilayo ko pa ang sarili ko.


“Kakailanganin ko bang pumatay?” Biglang tanong niya.


Humalakhak na naman si Ferdie. “‘Yan ba ang mabuting tao?” Natatawang tanong nito.

“Eh, paano ko ‘yun gagawin?” Napapantastikuhang tanong niya.


“Kailangan mong pag-isipan mabuti kung ano’ng dapat mong gawin, basta kailangan mong makapagdala ng 6 na kaluluwa sa loob ng anim na araw kung hindi, babagsak ka sa impiyerno. Ihanda mo na ang iyong sarili sa init na iyong mararamdaman.”


Hindi niya napigilan ang pagsigaw dahil sa isipan niya ay may nilalang na lumitaw. Mayroon itong buntot at sungay.


Itutuloy…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page