top of page
Gary V. - IG.jpg

Edgardo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 18, 2023


“Sino ka?” Gulat niyang tanong, ‘di niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa presensya nito gayung wala naman itong ginagawa kundi ang titigan siya.

“Ako si Ferdie,” wika nito. “Ngayon lang kita nakita rito”. Bahagyang tawa ang pinawalan nito. “Natural, dahil ngayon mo lang ako kinailangan, eh.”

Kumunot ang noo niya nang titigan niya ito. Kung magsalita kasi ito ay may kayabangan, at feeling close rin. Gusto sana niya itong pagsupladuhan pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ang gusto niya ay mayroong makausap.

“Bago?” “Sabihin na nating oo.” Kumunot ang noo niya, kung umasta kasi ito ay parang may itinatago sa kanya. “Alam mo ba ang dahilan kaya hindi nila ako pinapansin?” Tanong niya nang sulyapan ang kanyang mga kaopisina.

“Magaling ka kasi, hindi ba kinaiinggitan nila ang pagkakaroon mo ng dalawang trabaho. Sila kasi isa lang kaya kaliwa’t kanan ang utang.” “Paano mo nalaman?” Nagtataka niyang tanong. “Magaling din kasi ako.”

“May sakit ka ba?” Hindi nakatiis niyang tanong pagkaraan. “Napakaputla mo kasi.” “Natural lang ‘yan.” “Magpa-check up ka rin.”

Bigla itong humalakhak kaya napakunot ang kanyang noo. Para kasi isang malaking kalokohan ang isinuhestiyon niya rito.

“Salamat sa concern mo, ha. Dati, kinaiinisan ko kapag may nagsasabi sa akin ng kung ano’ng dapat kong gawin pero ngayon naa-appreciate ko na.”

Wala naman siyang naaaninag na sarkasmo sa boses nito pero hindi niya maiwasang tumingala.


Ganu’n din kasi siya kapag may pumapansin sa pagkakaroon niya ng dalawang trabaho at kapag pinagsasabihan siya ng mga magulang na magtapos ng pag-aaral.

“Huwag mong pagurin nang husto ang iyong sarili dahil baka iyan ang ikamatay mo,” sabi ng ilan kapag ipinagmamalaki niyang mayroon siyang dalawang trabaho. Ewan nga niya kung bakit bigla rin siyang kinabahan. Sa kanyang isipan, naalala na minsan ay bigla siyang napahinto sa kanyang paglakad at natutop niya ang kanyang dibdib dahil biglang nanikip ang kanyang puso.

Itutuloy…



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page