top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Economic dream team’ ni BBM, dapat may kakayahan sa pagbangon ng ekonomiya

BULGAR
May 25, 2022
1 min read

@Editorial | May 25, 2022


Ilang tulog na lang ay magpapalit na ng administrasyon.


Wala tayong ibang hangad kundi ang maging maayos ang transisyon, maipagpatuloy ang magagandang nagawa ng gobyernong Duterte at mas mapalawak at madagdagan pa ang mga programa at proyekto para sa bayan.


Napakahalagang makabuo ang papasok na administrasyong Marcos ng tinatawag na ‘economic dream team’.


Isang economic team na may kakayahang bumalangkas, magsulong at magpatupad ng mga epektibong programa para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.


Pabor tayo sa ideya na hindi dapat limitahan ang puwesto sa mga kaalyado. Kailangang maging bukas ito sa lahat basta magaling, matalino, madiskarte at tapat bilang lingkod-bayan.


Napakalaking papel ang gagampanan ng bawat opisyal ng gobyerno lalo na sa panahon ngayon.


Batid natin na talagang bugbog ang ekonomiya mula sa nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19, na sinabayan pa ng mga lindol at bagyo. Sinundan na rin ng krisis dulot ng giyera sa ibang bansa. Talagang sunud-sunod ang pagsubok at maraming napadapa.


Sa kabila nito, nananatiling matatag ang bayan at naitawid pa natin ang isa sa makasaysayang halalan.


Ngayon papasok na tayo sa bagong yugto ng pamamahala, sana ito na rin ang magandang simula para tuluyan tayong makabangon at maumpisahan na ang pag-unlad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page