top of page

WTA Title: Eala, kampeon sa Guadalajara 125 Open

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 7
  • 2 min read

by Info @Sports News | September 7, 2025



Alex Eala5 - GDL Open IG

Photo: Alex Eala / GDL Open IG



Congratulations, Alex!


Tagumpay na nasungkit ni Pinay Tennis Player Alex Eala ang kampeonato sa Women’s Tennis Association’s (WTA) Guadalajara 125 Open sa Mexico matapos talunin ang pambato ng Hungary na si Panna Udvardy ngayong Linggo, Setyembre 7, oras sa Pilipinas.


Sa laban, maagang nagpakitang-gilas si Udvardy sa unang set ng laban matapos magpaulan ng puntos kung saan tinalo nito si Eala sa score na 6-1 ngunit nabuhay at hindi nagpatinag si Eala sa dikitan na ikalawang set kung saan nanaig ito sa score na 7-5 dahilan para maitulak nito ang laban sa ikatlo at pinal na set ng laro.


Hindi naman hinayaan ni Eala na makaporma ang kanyang kalaban sa ikatlong set kung saan nagtuluy-tuloy na ang kanyang momentum at tuluyang sinungkit ang panalo at kampeonato sa torneo sa score na 6-3.



Eala, ipinakita ang puso at galing ng Pilipino —

PBBM



Alex Eala / GDL Open IG


Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gagawin niya ang lahat para mas maraming atletang Pilipino pa ang susunod sa yapak ni Pinay Tennis Player Alex Eala matapos nitong masungkit ang kauna-unahang Women’s Tennis Association (WTA) singles title ng bansa ngayong Linggo, Setyembre 7, oras sa Pilipinas.


“Congratulations Alex Eala! Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng buong bansa. Gagawin natin ang lahat upang mas marami pang atletang Pilipino ang susunod sa yapak na ito at maipakita sa mundo ang galing at puso ng Pilipino,” ayon sa social media post ni PBBM.


Idinagdag din niya na, “History has been written by Alex Eala as she becomes the first Filipino to win a WTA singles title”.



OVP, nag-abot ng pagbati kay Eala



‘Kasaysayan muli’


Nagpaabot ng kanilang pagbati ang Office of the Vice President (OVP) kay Pinay Tennis Player Alex Eala kasunod ng pagkapanalo nito bilang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng singles title sa Women’s Tennis Association (WTA)’s Guadalajara Open sa Mexico ngayong Linggo, Setyembre 7, oras sa Pilipinas.


“Isang malaking hakbang para sa tennis sa Pilipinas — at isang inspirasyon para sa bawat Pilipino!” ayon sa caption ng OVP.


Idinagdag din nila na, “Isang makasaysayang panalo ang hatid ni Alex Eala matapos niyang masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title sa 2025 Guadalajara 125 Open sa Mexico, laban kay Panna Udvardy ng Hungary”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page