top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

E-trike, dapat may malinaw na regulasyon para iwas-problema

BULGAR
Jul 5, 2022
1 min read

@Editorial | July 5, 2022


Kapansin-pansin ang pagdami ng mga e-trike sa lansangan.


Kaugnay nito, may mga panawagang dapat nang magkaroon ng malinaw na regulasyon ang pamahalaan para sa mga ito.


Hindi maitatanggi na maaaring maging delikado para sa mga komyuter ang pagsakay sa mga e-trike, lalo na kung bumabagtas ito sa malalaking lansangan. Dapat itong bigyang-pansin at pag-aralang maigi para safe.


May panukala na ring limitahan ang kanilang biyahe sa mga inner roads.


Bukod pa ang magkaroon sana ng malinaw na regulasyon ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa paggamit nito bilang pampublikong sasakyan.


Isa sa nakikitang dahilan ng pagsulpot o pagdami ng mga e-trike sa mga main road ay ang limitadong ruta ng ilang mga jeep nitong COVID-19 pandemic.


Kaya nga patuloy din ang panawagan ng mga tsuper na ibalik na sa normal ang ruta ng mga jeep sa bansa.


Nahihirapan pa rin ang mga drayber ng jeep sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo. Talagang todo-kayod para maitawid ang bawat araw.


Kaya umaasa tayo sa bagong pamunuan ng mga ahensiya ng gobyerno na sumasakop sa usaping ito na agad itong maaaksyunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page